kaya ba siya nagalit sakin kasi puro ingles yung tulang ginagawa ko haissts
ilang ulit na ba akong umasa
sa isang pag ibig na walang kasiguraduhan
puro sama ng loob ang tanging tinamasa
sa mga taong di ako kayang pahalagahan
di purkit nakangiti ay di marunong masaktan
di purkit nakatayo pa ay kaya pang lumaban
minsan ang pag ngiti ay pampalubag lamang ng loob
at ang pagtayo ay pantago lamang sa sugat ng pagkatalisod
nakabukas ang mata ng taong bulag
umaasang makakita ng konting liwanag
di man makapagsalita ang taong nauutal
ginagamit namin ang panalangin para sa maykapal
sapagkat gaya nga ng sabi ni balagtas
walang higit na mabait keysa sa nasa taas
mabigo sa pag ibig at kung anupaman
sa kanya ka lumapit ng di ka kaawaan
kaya ayaw ko ng tulang tagalog eh
hekhek impromptu habang nag fb lang naisip haissts
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento