Huwebes, Agosto 9, 2012

Ilusyon



Di lahat ng nakangiti ay masaya
di lahat ng tumatawa ay maligaya
kunwari pang natutuwa na wala siya
ngunit sa loob loob ay nalulungkot, hinahanap ko na siya
ang ganda ng gabi ay isang ilusyon
kasabay nitong masayang okasyon
dahil ang tanging magpapaganda dito
ay wala sa lugar na hinahanap ng puso
umaasang sa  huling sandali ay masilayan
kagandahang bumihag sa kalooban
ngunit sa huli ako ay bigo
umuwi ng maaga durog ang puso

3 komento: